I wish that you were here, or I were there, or we were together anywhere ♥

I wish that you were here, or I were there, or we were together anywhere ♥


Cigarettes and coffee: An alcoholic’s bestfriend.
Chillin’ at beanbag coffee shop wid Mina. 

Cigarettes and coffee: An alcoholic’s bestfriend.

Chillin’ at beanbag coffee shop wid Mina. 



The only safer cigarette is your last one.

5 days akong nakakulong at bukas lalaya nako, pansamantala lang. Hehe.

The only safer cigarette is your last one.


5 days akong nakakulong at bukas lalaya nako, pansamantala lang. Hehe.

Anonymous said: parang ako lang to e :( ganyang gayan din yung nararamdaman ko. so anong plano mo? -sejay

Atleast kayo di pa umabot ng 4 years. Okay lang saken. Ready nako Sejay. Yoko magstay sa relasyon kung awa nalang yung nararamdaman ko, unfair yun. Yung problema ko lang e kung pano ko ipapaintindi sa kanya yung rason. Kung pano ang safe na pagsabi. Ayst.


Dahil sa sobrang nakakabagot dito sa bahay sa Sorci, napasarap yung kakascroll ko sa fb wall ko. Hanggang inabot ko yung taong 2009. May nabasa akong post ko nun. Eto oh…

” ang ta0 nagbabag0 lal0 na pagpaulit-ulit ang nangyayari. kahit gaano ka pa kasigurad0 sa p0sisy0n mu sa kanya, pag bigla xa napag0d at nakaramdam ng walang pagpapahalaga, kahit isa ka pa sa pinakamahalagang ta0 sa buhay nia, magagawa ka niyang tiisin para malaman m0ng iba pag wala xa. awtz. ♥ “

December 17, 2009. Di ko na maalala yung nangyari sa mga panahon na yan. Basta ang alam ko e, nararamdaman ko ulet sya ngaun. Yung pakiramdam ko nung tinatype ko yan siguro e parang nauulit lang ngaun. Actually ilang chance na rin yung naibigay at nasayang. Siguro isang chance na lang, sige. Mga isang buwan o dalawa pa. Sana may pagbabagong mangyari sating dalawa. Hindi madaling bumitaw. 4 years and 3 months, sasayangin? Pero wala naman yan sa taon e. Siguro kung walang mangyayaring pagbabago, ayusin na muna natin yung mga sarili natin.

Alam kong ramdam mong di nako gaano masaya. Sakto na lang kumbaga. Sana matuto ka rin makiramdam, wag yung nagbubulagbulagan ka. Walang mangyayari e. Alam ko di lang ikaw ang dapat magbago, ako rin. Di nako yung dating Savannah na nakilala mo. Di ko naman sinasadya e. Nangyari na lang na may mga bagay pa pala akong gusto mangyari sa buhay ko at paunti unti na ngang nangyayari yung iba. At ang mga pangyayaring iyon e alam kong di ka dapat kasama.

Kasi marami akong gustong gawin na di dapat ginagawa ng mga taong committed na. Alam ko mag-aaway lang tayo kasi alam mong di kita susundin. Nakikita mo yung problema? Pareho tayo may diperensya. Kung ikaw di marunong makiramdam, e ako naman sobrang tigas na. At masaya ako sa mga ginagawa ko ngaun. 

Time lang kelangan natin para makapag-isip isip. Para maayos yung sarili. Kasi alam mo, marami pa tayong matututunan kung ieexplore natin yung sarili natin sa ibang tao. Apat na taon na sakin lang umiikot ang mundo mo, ako din. Naisip ko di na tama e. Masyado nating sinasakal yung isa’t isa. Di na tayo naggogrow. Wala ng learnings na pumapasok kasi hanggang dito lang ang alam natin. Kung maghihiwalay muna tayo e nasisiguro ko marami pa tayong matututunan at magkakaron tayo ng mga improvement sa sarili. 

Diba nakakatuwa? Pag nagkita tayo may kanya kanya tayong pwede ipagmalaki sa isa’t isa. Na pwede natin ishare sa isa’t isa. Ganun yung gusto ko mangyari. Di ko naman talaga isinasara yung puso ko e. Gusto ko lang i-enjoy muna ang life kasi ayokong gawin ang mga bagay na ayaw mo kung tayo pa. Nakakaguilty din yun.

Walang third party. Alam kong nagawa ko na magcheat noon pero sa ngayon pinag-isipan ko talaga to. Tatlong buwan ko nang pinag-isipan to. Hanggang ngayon. Di nako gaano masaya. Tumatanda nako pero marami pakong di nagagawa sa buhay. Sana hayaan mo muna akong gawin ang mga iyon. Kung tayo, tayo talaga. Pero di naman kita pipigilan kung may mahanap kang iba. Mas mabuti yun para malaman mo talaga kung sino talaga. At alam kong marami kang matututunan sa kanya na di mo matututunan kapag tayo pa. Ganun kasimple ang gusto ko mangyari. Kelangan lang matuto pa sa ibang tao. Di lang sa tao, pati sa ano mang bagay at sitwasyon.

Pero andito lang ako lage. Di ako yung tipong tatalikod na lang ng basta. Ako pa rin naman yung girlfriend mo na anjan lage sa tabi mo kapag kelangan mo. Yun ang di magbabago :)

Ano man ang mangyari sa susunod na buwan o sa mga darating pa, alam ko ito yung mas nakakabuti. Masakit sa una pero madali na lang matatanggap kasi wala namang away talaga na nangyari. 

Mahal kita, alam mo yun. Pero kelangan kasi ito yung dapat.


No matter how far the distance between us guys, we’ll always know that we’ll meet each other and have a crazy laugh agen. So lucky to have amazing people in my life :’) 
I love you guys! Gonna miss you MUCH! See youuu next month :P :*

No matter how far the distance between us guys, we’ll always know that we’ll meet each other and have a crazy laugh agen. So lucky to have amazing people in my life :’)

I love you guys! Gonna miss you MUCH! See youuu next month :P :*


#SA :D 


Magpapalagay ako ng ganyang tattoo. Siguro after 5 years. Basta sa panahong wala nakong masyadong iniisip. Sa panahong ang problema ko e kung pano uubusin ang pera. Hahaha! De, basta magpapatattoo ako. May tutulong naman saken :)

Ganyang design mismo ang gusto ko. Kelangan ko muna siguro magpasexy :&

Sorry sa mga may kwenta kong post. Hello Sorci. Pakyu na din. Bored :&


Kelangan ko ng tapusin kung ano mang connection meron tayo. Nagustuhan naman kita at gusto mo rin ako. Pero may asawa kang tao at may boyfriend din naman ako.

Sabihin na nating wala kang pakialam kung ano meron ngayon. Sabi mo nga e nagpakasal kayo kasi kelangan, kelangan sa pangalan. At mapaparaanan mo para ako yung maging legal pagdating ng panahon. Okay. Sabi mo yan. Pero ayokong maging kabet sa edad kong ito. Ba’t ko hahayaan kung may choice naman ako, dba?

At eto nga yung choice ko, tapusin na ang panandaliang kasiyahan na to. Ayokong may mga niloloko tayong tao. Masaya nga tayo. Pero is the feeling enough knowing na may masasaktan tayo?

Mabuti na to habang maaga pa, habang di pa tayo masyado masasaktan kasi wala pa namang masyadong nainvest na feelings.

Sabi ko nga sayo, marami pang pwedeng mangyari kaya wag kang mangangako. Malay mo jan ka pala talaga babagsak sa asawa mo. Malay mo after 5 years magkita tayo at pareho tayo available. Pero di ko lam. Di naten alam ang mga pwedeng mangyari. Yun yung gusto kong maintindihan mo. Kasalanan kung sa ngayon kasi marami tayong masasaktan. 

Mag-antay sa tamang pagkakataon, sa moment na iyon. Actually di kelangan mag-antay. Hayaan na lang ang panahon. 

Mangyayari na lang kung karapat dapat, diba? Mahal ko boyfriend ko. Di ko naman kasalanan kung napupunta ako lage sa ganitong sitwasyon kaya nga ginagawa ko na yung tama sa paningin ko. 

Sana maintindihan nyo rin na what’s on tumblr stays on tumblr. Salamat.